Ruffa Gutierrez, 15 beses inalok ni Yilmaz na makipagbalikan
Nagbabalak palang pumunta ng Pilipinas ang estranged husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Ayon sa aktres/TV host sa The Buzz last Sunday, pupunta dito ang Turkish ex para pirmahan ang mga kailangang papeles para malagay na under her full custody ang dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice.
Inamin din ni Ruffa na totoong nag-file siya ng case para mapunta na sa kanya ang legal custody sa mga bata dahil mahirap para sa kanya na kailangan pang hingin parati ang consent ni Yilmaz sa tuwing papasok sa school ang mga ito o ’di kaya ay mag-a-abroad. Aniya, wala naman daw kinalaman dito ang pera.
“After two years (of separation), I think it’s high time na gawin kong legal ’yung lahat. Ayusin ang buhay ko. Just to legalize everything. Since the kids are with me and I’m supporting them emotionally, spiritually, financially, so I think dapat nasa legal paper work ’yon na nasa akin sila,” Ruffa said.
Nang mabalitaan daw ni Yilmaz na nag-file siya ng case, kaagad itong nag-text sa kanya.
“He texted me sabi niya nga, ‘You know, save your time, save your money. Why are you filing a case? I’ll go there and sign all the paperwork needed. Anyway I’ll be going to Hong Kong on a business trip.’ So na-shock ako, sabi ko he’s coming,” pahayag ni Ruffa.
Sa pagdating dito ni Yilmaz, siyempre, kasama sa pwedeng mangyari na baka maiba na naman ang ihip ng hangin at hilingin ng Turkish businessman na magkabalikan sila. Tinanong ni Kris Aquino si Ruffa na what if he asks her back, ano ang magiging desisyon niya.
“He’s asked me that so many times in the last two years, more than 15 times and my answer was still the same – no.”
Masyado raw malalim ang pinagdaanan nila at hindi ganu’n kasimple kung magbabalikan sila ulit.
Sa tingin daw niya ay naka-move-on na rin naman daw si Yilmaz at siya rin naman.
Sa tanong ni Kris kung okay at happy ba naman siya, say ni Ruffa, she’s happy and very much okay.

No comments:
Post a Comment